IATF, pinag-aaralan ang pagluluwag ng quarantine restrictions sa mga nakakumpleto na ng anti-Covid vaccine
Isinasailalim na sa masusing pag-aaral ng Technical Working group ng Inter Agency Task Force (IATF) ang panukalang luwagan na ang ipinatutupad na quarantine restriction ang mga fully-vaccinated laban sa COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tulad sa ibang bansa niluwagan na sa mga restriction ang mga fully vaccinated sa mga piling pagkakataon at lugar.
Ayon kay Roque kabilang sa pinag-aaralan ng IATF ay ang exemption sa mandatory quarantine ng mga fully vaccinated na pupunta sa ibang lugar partikular sa mga tourist destination para makatulong sa pagbuhay muli ng Tourism industry.
Inihayag ni Roque na ang pagbibigay ng special consideration sa mga fully vaccinated na ay makahihikayat sa mga nagdadalawang-isip pa na magpabakuna laban sa COVID 19.
Batay sa report ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez umaabot na sa humigit kumulang 1.2 milyon ang fully vaccinated na laban sa COVID 19 sa bansa.
Vic Somintac