Iba pang Tourist destinations, dapat pagtuunan din ng pansin ng gobyerno at isailalim sa rehabilitasyon

 

Umaapila si Senador Sonny Angara sa gobyerno na tutukan rin ang rehabilitasyon at pagpapaganda sa iba pang Tourist destinations sa Pilipinas.

Sinabi ni Angara na dapat magpatupad na rin ng pre-emptive measures sa mga lugar na nagpapakita na ng pagkasira dahil sa pag-abuso ng mga turista kabilang na ang El Nido sa Palawan.

Senador Angara:

“There should be constant improvement of our facilities, so our carrying capacity will grow with arrivals. We must always be ahead of the curve instead of being overwhelmed and under-prepared which, in the long run, will be damaging to the ecosystem.”.

Kailangan na rin aniyang matukoy ang mga lugar na kailangan ang impriovements ng kalsada, airport at seaports kasama na ang sewerage and infrastructure system.

Kung maaga aniya masisimulan ang rehabilitasyon, hindi na kakailanganing ipasara ang isang tourist destination gaya ng Boracay na nakaapekto sa kabuhayan ng libo-libong mga residente.

Isinusulong rin ni Angara na magamit ang travel tax collection sa pagpapaganda ng mga tourist destinations para mapaangat ang ekonomiya ng bansa.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *