Iba’t-ibang aktibidad kaugnay ng National Lung month celebration, isinagawa
Sa pagtatapos ng Lung month celebration, iba’t ibang aktibidad tungkol sa mga uri ng sakit sa baga gaya ng pneumonia at tuberculosis at paano ito maiingatan ang isinagawa ng mga Lung specialists mula sa Philippine College of Chest Physicians (PCCP).
Ayon sa PCCP, nilayon nilang isagawa ang mga aktibidad upang lalong maitaas ang kamalayan ng publiko sa lubos na pag-iingat sa baga lalo na ngayong nararanasan ang Covid-19 Pandemic.
Ilan sa aktibidad na kanilang naisagawa ay:
Webinar series on Usapang Asthma at COPD, Galing Lungs, Usapang Cough at Allergic Rhinitis Tree Planting surrogates, Binhi ng Buhay, Go Green, Breath clean at Zoombahay Zumba Online exercise sa Malusog na baga.
Payo ng mga Lung specialist sa publiko, upang maging malusog ang baga itigil ang paninigarilyo, kumain ng masustansyang pagkain, maglaan ng oras sa pag-e-exercise, iwasan ang stress dahil ito ay contributing factor sa paghina ng immune system.
-Belle Surara