Iba’t-ibang reaksyon sa mundo ng palakasan sa pananakop ng Russia sa Ukraine

Russian President Vladimir Putin leaves the stage after his speech at the International Olympic Committee (IOC) Gala Dinner on February 6, 2014 in Sochi, on the eve of the Sochi 2014 Olympic Winter Games opening ceremony. The International Olympic Committee on February 28, 2022, stripped Russian President Vladimir Putin of the Olympic Order award in response to the invasion of Ukraine.
Andrej Isakovic / Pool / AFP

Ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay nagdulot ng malawakang reaksyon sa mundo ng palakasan, kung saan hindi na sila pinalalaro sa World Cup ngayong taon, at ang IOC ay nanawagan para sa isang global sporting ban.

Football

– Inanunsiyo ng FIFA at UEFA sa isang joint statement, na ang Russia ay pinatalsik mula sa 2022 World Cup matapos suspendihin mula sa lahat ng international competitions. Ang desisyon ay nakaapekto rin sa Russian clubs sa European tournaments.

– Ang Russian men’s team ay nakatakdang maglaro sa qualifying playoffs ngayong March para sa World Cup sa Qatar sa huling bahagi ng taon, habang ang women’s side ay nag-qualify para sa European Championship sa England, na idaraos sa July.

Una nang iginiit ng Polish FA, na hindi sila makikipaglaro sa Russia sa semifinal ng playoff ng World Cup. Ang Poland at Moscow ay nakatakdang magharap sa Marso 24, kung saan ang mga mananalo ang haharap sa Sweden o sa Czech Republic, na nagsabing ibo-boycott din nila ang anumang laro laban sa Russia.

– Inanunsiyo rin ng UEFA na tatapusin na nila ang partnership sa Russian state energy giant Gazprom, na pinaniniwalaang nagbabayad ng nasa 40 million euros ($45 million) bawat taon sa isang kasunduan na tatakbo hanggang sa 2024.

– Inalis na sa Saint Petersburg ang pagiging host ng UEFA Champions League final na nakatakdang ganapin sa May 28. Ang pagho-host ay inilipat sa Stade de France sa Paris.

– Sa Wembley nitong Linggo, ang Chelsea skipper na si Cesar Azpilicueta at Liverpool captain na si Jordan Henderson ay nagdala ng bulaklak na kulay dilaw at blue na siyang kulay ng Ukraine, bago ang kickoff ng English League Cup final.

– Noong Sabado, sinabi ng billionaire Russian owner ng Chelsea na si Roman Abramovich, na ililipat na niya ang pangangalaga at pamamahala ng Premier League club sa trustees ng charitable foundation nito. Sa kaniyang pahayag ay walang binanggit tungkol sa krisis sa Ukraine.

IOC

– Hinimok ng International Olympic Committee ang sports federations at organizers na huwag isama ang Russian at Belarusian athletes at officials sa international events.

Tennis

– Si Elina Svitolina ang unang tennis player na tumangging lumaro laban sa isang Russian. Sinabi ng dating World No. 3 na hindi niya haharapin ang opponents mula Russia o Belarus. Nakatakda sana niyang makaharap ngayong Martes ang Russian na si Anastasia Potapova sa Monterrey. Si Svitolina, na isinilang sa Odessa, ay nag-pledge na ido-donate ang prize money sa mga torneo niya sa hinaharap para sa military at aid groups ng kaniyang bansa.

– Sinabi naman ng kababayan ni Svitolina na si Dayana Yastremska, na siya at ang kaniyang pamilya ay nagpalipas ng dalawang gabi sa sheltering underground sa Odessa.

Ayon sa dating top-25 player . . . “We didn’t realize or understand what was going on. It was crazy. It wasn’t a movie or a video game. We were very shocked. We left the apartment to take shelter in the underground car park while the bombs continued to explode.”

– Sa Dubai ATP event naman noong isang linggo, minarkahan ng Russian na si Andrey Rublev ang kaniyang semifinal win laban kay Hubert Hurkacz, sa pamamagitan ng pag-sign sa camera lens sa court ng mensaheng “No war please”.

Formula One

– Ang Russian Grand Prix, na nakatakda para sa September 25, ay kinansela, isang araw matapos ideklara sa publiko ng defending world champion na si Max Verstappen at four-time champion Sebastian Vettel ang kanilang pagtutol na lumahok sa karera.

Ayon kay Verstappen . . . “When a country is at war, it’s not right to run there. I will not go. I think it’s wrong to race in the country.”

– Nagpasya naman ang American Formula One team Haas na huwag gamitin ang Russian colors ng kanilang title sponsor na Uralkali sa panahon ng huling araw ng pre-season testing sa Barcelona.

Ice hockey

– Sinuspinde ng International Ice Hockey Federation ang lahat ng Russian at Belarusian national teams at clubs mula sa kanilang mga kumpetisyon “until further notice.” Inalisan din nito ng karapatan ang Russia na mag-host para sa 2023 junior world championships.

Boxing

– Sa isang joint statement ay sinabi ng apat na major sanctioning bodies ng boxing — ang International Boxing federation, World Boxing Council, World Boxing Association at World Boxing Organization — na hindi nila isa-sanctions ang mga laban sa Russia.

Judo

– Sinuspinde bilang honorary president ng International Judo Federation (IJF) si Russian President Vladimir Putin, na isang accomplished judoka at pinarangalan ng eighth dan noong 2014 — isa sa highest levels sa Judo. Siya ang honorary president ng pederasyon mula pa noong 2008.

Fencing

– Umatras ang Ukrainian fencers mula sa world championships sa Cairo para maiwasang makaharap ang Russia.

Rugby

– Binawalan ng world governing body ng Rugby ang Russia at Belarus mula sa lahat ng international rugby “until further notice”. Pinatawan din ng indefinite suspension ang membership ng Russia sa World Rugby. Ibig sabihin ay wala nang pag-asa ang Russia na maka-qualify pa sa World Cup sa France sa susunod na taon.

Badminton

– Kinansela ng Badminton World Federation (BWF) ang lahat ng naka-sanction na torneo sa Russia at Belarus, binawalan ang mga ito na mag-host ng mga torneo sa hinaharap “until further notice” at inatasang i-ban ang kanilang mga watawat at pambansang awit sa lahat ng BWF tournaments.

Taekwondo

– Sinabi ng World Taekwondo, na aalisan nila ng isang honorarty black belt si Vladimir Putin, dahil ang pag-atake ng Russia sa Ukraine ay labag sa motto ng Taekwondo: “Peace is more precious than triumph”. Dagdag pa nito, walang watawat ng Russia o Belarus o pambansang awit ang idi-display o aawitin, ni walang mga event sa hinaharap na o-organisahin sa dalawang nabanggit na bansa.

Please follow and like us: