Ibat-ibang service providers lumahok sa Internet Voting Demonstration ng Comelec para sa 2025 polls
Nagsagawa ngayong araw ng Internet Voting Demonstration ang Commission on Elections kaugnay ng 2025 National and Local Elections.
Iprinesinta ng iba’t ibang service providers ang kani-kanilang proposals sa naturang aktibidad.
Kabilang sa mga nakalistang service providers ay ang Miru, Smartmatic, Dermalog, Indra, E-Corp, Tambuli Labs, Voatz, at Thales.
Ang aktibidad ay live na napanood sa Facebook at Youtube pages ng Comelec.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang internet voting ay para sa pagboto ng mga Overseas Filipino Workers.
Alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 10590 o Overseas Voting Act inaatasan ang Comelec na aralin ang iba pang opsyon sa pagboto.
Matatandaang nitong May 2022 Presidential elections sinubukan na rin ng Comelec ang vote anywhere para sa overseas voters at sa 2025 target naman ng poll body na magkaroon ng internet voting para sa Overseas absentee votiOAV.
Bahagi ito ng efforts ng poll body na mapataas ang bilang ng mga pinoy abroad na lumalahok sa halalan.
Noong May 2022 presidential elections ay 33% lang ang voter turn out sa oav.
Madelyn Moratillo