Ibinunyag ng liderato ng Senado ang sunod-sunod na pag atake sa kanilang website nitong weekend
Hindi raw coincidence lang ang nangyayaring hacking spree sa mga tanggapan ng gobyerno
Ayon sa DICT, posibleng kagagawan ito ng isang organized crime group
Ayon kay Senate Secretary General Renato Bantug batay sa monitoring ng kanilang sunod-sunod ang ginawang pagtatangka na mapasok ang website ng Senado tinawag nyang malisyoso ang hacking attempt
Sabi ni Bantug, maaaring wala namang makompromisong mga delikadong impormasyon sa website ng senado dahil pawang mga public records ang nasa loob nito tulad ng committee schedule, mga panukalang batas at mga committee hearings
“We experience a spike access in the website a lot more than usual here the usual traffic sunday around noon that’s the red line our anti hacking software this request as malicisous na mitigate naman lahat sabi ng IT expert ng Senado, natukoy nila itong BOTS na galing sa United States, Germany, Vietnam at Pilipinas.” pahayag ni Secretary General Atty. Renato bantug
Malabo naman raw itong pumilay sa operasyon ng Senado hindi tulad sa nangyari sa Philhealth dahil ang laman ng webiste ay pawang may kinalaman sa legislation at malabong ma-access dito ang e-mail o anumang personal na impormasyon ng mga senador o sinumang empleyado
“Bragging rights, there’s no comfi data most are public documents.” pahayag nio Senate-MIS Mario Antonio Sulit
“The only possible private data that they have in mind our email server none of senators use our email servers it will not compromise at all. wika pa aniya ni Atty. Bantug
Pero nababahala pa rin ang mga Senador sa tinawag nilang hacking spree.
Kung hindi raw kasi ito aaksyunan ng gobyerno maaaring ang isunod na ay mga critical infrasttructure tulad ng tubig, kuryente at mga bangko.
Maaari kasing magamit na rin ang internet para isabotahe ang operasyon ng mga kumpanyang ito na nagbibigay ng serbisyo
“Hacking delikado one can destroy certain institutions or system, one malakas ang cybersecurity sa mga bangko. I’m happy that our banking system double ang redundancy nila, series of hacking is a warning to central bank, critical infra. Marami na rin nagbriefing that wars not on nuclear weapons, fought by controlling infra thru internet. patayin kuryente mo in just one switch.” paliwanag ni Senador Alan Peter Cayetano
Inimbestigahan na ng komite ni Cayetano ang nangyaring hacking incident sa Philippine Health Insurance Corporation na pumaralisa sa kanilang operasyon.
Ayon sa DICT, natukoy na nila ang person of interest sa nangyaring cyber attack na isang local hackers.
“We are supposed to have prepared a presentation for an Executive session we are pursuing some leads but what i can say right now after the medusa incident, there are other ransomewares, may mga locked it na naging victim din iba government agencies these are also professional groups like medusa but when we’re talking about the recent spate of hacking after the Philhealth, we believe them to be local hackers and we believe them not to be a coincidence.” pahayag naman ni Jeffrey Ian Dee.
Meanne Corvera