Ice cream sa Japan na hindi agad natutunaw ng ilang oras kahit na matindi ang sikat ng araw
Nadevelop ng mga researcher sa Biotherapy Development Research Center Co. sa Kanazawa ang ice cream na hindi kaagad nalulusaw.
Ang “unmeltable” ice-cream ay sinangkapan ng polyphenol na matatagpuan sa strawberry na siyang nagpapanatili na ito ay matigas kahit na ma-exposed ng limang oras sa arawan.
Ayon kay Tomihisa Ota, professor sa Kanazawa University aksidente lang nilang nadiskubre na ang nasabing sangkap na makukuha sa strawberry at inihalo sa dairy cream ay nagagawa nitong hindi kaagad mahiwalay ang tubig at langis na siya namang nagpapatagal para hindi ito malusaw.
Sa ngayon ay ibinibenta sa ang wonder ice cream na ito sa Kanazawa ice shop sa Kanazawe Japan.
Ulat ni : Violy Escartin