Idaan pa rin sa mahinahon na paraan ang isyu sa WPS – Senador Imee Marcos
Umapela ni Senador Imee Marcos sa kaniyang mga kapwa mambabatas na nagsusulong na udyukan ang Department of Foreign Affairs para maghain ng resolusyon sa United Nations General Assembly para matigil na ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
Pangamba ni Marcos, baka matalo lang ang Pilipinas kung dadalhin ang isyu ng pangha harass ng China sa UNGA.
“Asan yung headcount panalong panalo ba tayo dyan? sigurado ba yung headcount dyan kasi yang un syempre maraming salita wordward na hindi naman tayo kasali are we certain of victory in general assembly “sabi ni Senador Imee Marcos
Iginiit ng Senador na dapat iwasan muna ng mga mambabatas at mga opisyal ng gobyerno ang mainit na public statement na maaring magpapalala pa ng tensyon.
Kailangan aniya ang mas maingat na approach sa isyu.
Ito rin aniya ang posibleng dahilan kaya hindi na ito isinama sa mga isyung tinalakay ng Pangulo sa kaniyang SONA.
“We already have in hand the arbitral judgment which is far more powerful and important I also worry that we may not get the votes necessary. and laking kahihiyan.. mas lalong malulusaw ang ating claim. kung hindi talagang kahihiyan yan” dagdag na pahayag ng Senadora.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, si Marcos dapat ang mangunguna sa imbestigasyon sa panukalang batas na naglalayong ideklara ang mga Maritime zones ng Pilipinas, kabilang ang West Philippine Sea.
Pero inalis na raw ito sa komite niya sa halip, gagawa ng isang Special task force para rito.
Kahapon bigo pang lumusot sa plenaryo ng Senado ang resolusyon na iakyat ang usapin sa UNGA dahil hinarang ito ni Senador Alan Peter Cayetano.
“we also have a dispute with vietnam and malaysia. ang question ko ay kung tayong lahat ay may dispute dyan, bakit sa resolution na ito china lang ang ating tinutukoy or why are we concentrating only or limiting this resolution to China? why don’t we also ask the un to look into on why vietnam and malaysia are intruding into our waters? “Pahayag ni Senador Allan Peter Cayetano
Bakit raw ang China lang ang pinag-iinitan samantalang ang isla ay inaangkin din ng Malaysia at Vietnam na sinuportahan ni Senador Loren Legarda.
“Hindi po kayo nag- aatubili sa ating pananaw na napakahalaga ang Hague ruling, ngunit kailangang ang estratehiya ay hindi lahat binabasa o sinasabi sa pampubliko, dahil gaya ng sinabi ni Senator Cayetano, naririnig tayo ng mga taong nanghihimasok sa ating karagatan”, sinabi naman ni Senador Loren Legarda
Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri magpapatawag sila ng caucus sa monday para konsultahin ang mga kapwa mambabatas sa isyu.
Pero nanindigan ang Senador na kailangan nang umaksyon bago pa magising ang mga filipino na hawak na ng China ang Palawan.
“Pag wala tayong gagawin baka pati Palawan angkinin na nila”, pahayag naman ni Senate president Juan Miguel Zubiri
Meanne Corvera