Iglesia Ni Cristo binigyan ng honorary certificate ng Hawaii State Legislature
Kinilala ng estado ng Hawaii ang Iglesia Ni Cristo (INC) o Church Of Christ sa pamamagitan ng isang Honorary Certificate, na bumabati sa Iglesia sa ika-107 taong anibersaryo nito at ika-53 taon sa Hawaii.
Ang sertipiko na inisyu ng Hawaii State Legislature ay iprinisinta nina Hawaii State Senator Bennette E. Misalucha at House Representative Sonny Ganaden, sa State Capitol ng Hawaii, sa mga ministro ng INC na dumalo sa mahalagang okasyon.
Binigyang-diin ni Sen. Misalucha ang pagsisikap ng INC na makatulong sa komunidad sa Hawaii, laluna sa mga nangangailangan.
Ayon sa senador . . . “(The) INC has been a partner in ministering to our kababayans [fellowmen] here in Hawaii and not just to our kababayans, (but) actually to the greater community, particularly in humanitarian missions and humanitarian efforts.”
Nakasaad sa sertipiko na may lagda ng mga senador at mga miembro ng house of representatives ng Hawaii . . . “The Hawaii State Legislature honors and recognizes organizations that contribute significantly to the well-being and vitality of the communities it serves.”
Kinilala rin ang pangunahing layunin ng Iglesia Ni Cristo na “sambahin ang makapangyarihang Diyos sa paraang itinuturo ng Panginoong Jesucristo at kaniyang mga apostol na nakasulat sa Biblia.”
Nakasaad pa sa sertipiko . . . “The Iglesia Ni Cristo is a very special place, serving as a church for all people no matter the race, nationality, cultural background, social standing, economic status, or educational attainment.”
Binanggit pa ng Hawaii State Legislature . . . “Throughout its history in Hawaii, the Iglesia Ni Cristo has been an exemplary religious presence even as it continues to create a legacy today of the bayanihan spirit in the islands.”
Tinukoy ng mga mambabatas ang community service initiatives ng Iglesia partikular ang kanilang “Aid to Humanity” projects na kinabibilangan ng food drives, blood donation drives, cleanup activities, neighborhood appreciation projects, at school supply drives na ilan lamang sa maraming “helpful projects” ng INC.
Anila, ang nabanggit na mga proyekto na pinangunahan ng tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na Eduardo V. Manalo, ay lumikha ng positibong epekto hindi lamang sa Hawaii kundi maging sa buong mundo.
Hanggang ngayon, ang INC ay patuloy na tumutulong sa mga nangangailangan sa lokal at pandaigdig na komunidad, sa kabila ng pandemya. Tinukoy ito ng Hawaii State legislature sa pagbati ng Senate at House sa ika-107 taong anibersaryo ng INC.
Ang certificate ay nilagdaan ng mga miembro ng 31st Legislature ng Hawaii, at nina Hawaii Senate President Rinald Kouchi at Speaker of the House Scott Saiki.
Ipinaliwanag naman ni Hawaii-Pacific Assistant District Supervising Minister Brother Limuel de Leon, ang dahilan para sa iba’t-ibang community service work ng Iglesia.
Aniya . . . “The reason why the Iglesia Ni Cristo is doing that, through the leadership of our beloved Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo, is because that is what is really written in the Bible, that in times like these we should help each other, especially those people who are in need.”
Ang Iglesia Ni Cristo (INC) o Church Of Christ ay patuloy ang paglago sa buong mundo, at nakarating na sa 158 mga bansa at teritoryo, kung saan ang mga miembro nito ay mula sa 147 lahi at nasyonalidad.
(Courtesy INC Public Information Office. For additional information about the Iglesia Ni Cristo or Church of Christ, please visit www.iglesianicristo.net)