Iglesia Ni Cristo magsasagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Ormoc City Leyte sa Oktubre 31.
Magsasgawa ng Lingap sa Mamamayan ang Iglesia ni Ctisto sa susunod na sabado, Oktubre 31 sa Ormoc City, Leyte.
Dahil dito, bago isagawa ang aktibidad, ay nakipagkita at nakipagpulong muna si Kapatid na Adolfo Monterey, ministro, at Tagapangasiwa ng Distrito ng INC sa Leyte West kay Ormoc City Mayor Richard Gomez at sa iba pang opisyal sa lungsod para naturang aktibidad.
Pinag-usapan sa pagpupulong ang hangarin ng Tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo na patuloy na makatulong sa publiko lalo na ang mga naapektuhan ng pandemiya dulot ng Covid 19.
Mamamahagi ang Iglesia Ni Cristo ng mga Goodie Bags sa Ormoc City na tuwirang nangangailangan ng tulong.
Ang isasagawang Lingap sa Mamamayan sa susunod na linggo ay bahagi ng paggunita ng INC sa buong mundo para sa nalalapit na kaarawan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo sa darating na Oktubre 31, 2020.
Ulat ni Lotte Merin