Iglesia Ni Cristo, pinaka-aktibo sa pagdalo ng religious activities – SWS survey
Pinaka-aktibo ang Iglesia Ni Cristo sa pagdalo ng religious activities kumpara sa ibang religious organizations…
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations na isinagawa nitong March 25 hanggang 28 sa may isang libo at dalawandaang (1,200) adults.
Ayon sa SWS malaki ang pagpapahalaga ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa pagdalo sa mga pagsamba na nasa 90 percent, sinundan ito ng mga Muslim na nasa 81 percent, at iba pang religious groups na nasa 71 percent.
Ang mga katoliko naman ay nasa 41 percent.
Ang madalang na pagsisimba ng mga katoliko ay napatunayan nang 39 na porsiento sa kanila ang umaming dumadalo lamang sila ng misa nang isang beses kada buwan.
Sa pitumput apat na survey na isinagawa ng SWS ukol sa church attendance mula 1991 hanggang 2017, lumilitaw na mababa ang weekly attendance sa religious services ng mga katoliko.
Ang highest recorded average weekly church attendance sa mga adult catholic filipinos ay 64 percent noong 1991, habang ang regular attendance ay naitalang pinakamataas sa 66 percent.
Ang pinakahuling 41-percent weekly church attendance ng mga katoliko ay highly significant kung ang pag-uusapan ay istatistika.