Ika-10 taon ng K-pop megastars na BTS, ipinagdiwang ng South Korea
Dumagsa ang fans ng K-pop megastars na BTS sa mga hostspot sa paligid ng Seoul, kaugnay ng ika-10 taong anibersaryo ng supergroup, kung saan inilabas din ng South Korea ang isang special commemorative stamp series ilang bahagi ng pagdiriwang.
Ang fans ng grupo na kilala sa tawag na ARMY, ay nagtipon sa labas ng mga tanggapan ng HYBE, ang agency na humahawak sa BTS upang mag-selfie at mag-record ng TikTok videos sa harap ng napakalaking mural ng BTS na ipininta sa dingding.
Inilabas naman ng Korea Post ang isang espesyal na edition series ng mga selyo bilang parangal sa BTS na nakatakdang ipagbili sa opisyal na anibersaryo ng debut ng septet, na halos maubos na agad online.
Sinabi ng isang opisyal ng Korea Post, “Obviously BTS are global superstars, but we didn’t expect the stamps to be sold out on the day of the online release.”
Makaraang mag-debut noong June 13, 2013, ang grupo ang naging unang all-South Korean act na nagdomina sa US at UK charts, na kumita ng bilyong dolyar at nakabuo ng global fandom.
Ayon sa Korea Post stamp designer na si Kim Mi-hwa, “Many ARMY BTS fans have asked for the release of BTS stamps, and we also wanted to issue stamps for these global artists for their 10th anniversary.”
Ang banda na kasalukuyang nakapahinga, kung saan dalawa sa mga miyembro nito ay nasa kanilang mandatory South Korean military service, ay naglabas ng isang bagong digital single noong isang linggo upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo.
Ang single na “Take Two,” ang tila simula ng second chapter ng banda matapos ang isang dekada bilang musicians.
BTS 10th anniversary postage stamps and stamp books are displayed during its unveiling event at Seoul Central Post Office in Seoul on June 12, 2023. (Photo by Jung Yeon-je / AFP)
Nagtungo sa South Korea ang fans ng BTS mula sa iba’t ibang mga bansa sa mundo upang ipagdiwang ang anibersaryo, kung saan ang city government ng Seoul ay naglunsad ng isang programa para sa mga bisita.
Isang mapa ang inilabas ng city government para sa fans na galing abroad, kung saan tampok ang 13 lokasyon sa buong South Korean capital.
Kabilang dito ang tanggapan ng HYBE agency sa Yongsan at ang makasaysayang Gyeongbok Palace, kung saan kinunan ang isang espesyal na edisyon ng Tonight Show ni Jimmy Fallon na ang guest ay ang BTS.
Simula nitong Lunes, ang mahahalagang tourist spots sa buong Seoul, gaya ng Namsan Seoul Tower at Dongdaemun Design Plaza, ay nagliwanag sa kulay lila, na siyang kulay ng ARMY, bilang pagdiriwang sa anibersayo ng grupo.
Ang mga miyembro ng BTS na hindi pa sumasailalim sa military service, ay abala naman sa kanilang solo careers gaya ni Jimin na naglabas ng kaniyang six-track solo album na may titulong “Face” noong Marso.
Sinabi ng mga eksperto, na malamang na bahagi ito ng isang maingat na pinagpaplanuhang estratehiya.
Sinabi ni Jeff Benjamin, K-pop columnist ng Billboard, “The most significant part of BTS’ 10th anniversary is that they’re still here and together as BTS. Every male K-pop group will need to pause or transition due to South Korea’s mandatory military service but not every group is adequately prepared as BTS has with preplanned music and content that holds significant meaning. Even the new song itself ‘Take Two’ speaks specifically to this new chapter of BTS with their fans.”