Ika-14 niyang French Open title nakuha ni Nadal makaraang magwagi sa finals
Napanalunan ni Rafael Nadal ang kaniyang ika-14 na French Open at ika-22 Grand Slam title nitong Linggo, para maging pinakamatandang male champion sa Roland Garros pagkatapos ay ibinunyag na sasailalim siya sa dagdag pang gamutan para pagalingin ang kaniyang foot injury na maaaring makaapekto sa kaniyang career.
Dinaig ng 36-anyos na si Nadal ang Norwegian na si Casper Ruud sa score na 6-3, 6-3, 6-0 para makuha ang French Open title, na una niyang napanalunan noong 2005 nang siya ay 19 anyos pa lamang.
Dahil sa panalo, lamang na siya ng dalawang Slams sa matagal na niyang katunggaling sina Roger Federer at Novak Djokovic.
Noong una ay hindi tiyak ng Spanish player na makalalahok siya, nang bumalik ang naranasan niyang chronic left foot injury sa buong panahon ng kaniyang career, at kinailangan din niyang malampasan ang 12 oras na pakikipagtunggali kina Felix Auger-Aliassime, Djokovic at Alexander Zverev sa naunang tatlong rounds ng French Open,
Ayon kay Nadal . . . “It’s obvious that with the circumstances that I am playing, I can’t and I don’t want to keep going. I’m going to keep working to try to find a solution and an improvement for what’s happening in the foot.”
Ibinunyag niya na kailangan niya ng pain-killing injections sa kaliwa niyang paa bago ang bawat match sa Paris, at muling sasailalim sa treatment ngayong linggo pagbalik niya sa Spain.
Aniya . . . “If it works, I keep going. If not, it will be another story and I will ask myself if I am ready to do a major surgery which may not guarantee I will be competitive and may take a long time to be back.”
Sinabi niya na ang tanging paraan para siya makapaglaro sa torneo ay bigyan siya ng anaesthetic injections sa nerves ng kaniyang paa.
Ang dalawang oras at 18-minutong laro ni Nadal nitong Linggo ay nagbigay sa kaniya ng record sa torneo na 112 panalo at tatlong talo lamang, at nangangalahati na rin siya para maabot ang Grand Slam record na na-achieve ni Rod Laver noong 1969.
Ayon naman kay Ruud . . . “The most important thing is to congratulate Rafa. You are a true champion. This is the first time I have faced you so now I know what it’s like to be the victim! There will be many others.
“You have taken me into your academy with open arms and you are a true inspiration to me. We all hope you continue for some more time.”
Si Ruud ang unang Norwegian na nakarating sa isang championship match sa majors.
© Agence France-Presse