Ika-4 na 2 plus 2 Ministerial Consultations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, isasagawa ngayong araw
Muling pagtitibayin ng Pilipinas at Amerika ang relasyon ng dalawang bansa sa gitna ng mga hamong kinahaharap sa Indo-Pacific region.
Yan ang tatalakayin sa ika-4 na 2 plus 2 Ministerial Consultations na isasagawa sa Kampo Aguinaldo ngayong araw
Pasado alas dies ng umaga kanina nang dumating sa Kampo Aguinaldo sina United States Defense Sec. Lloyd Austin III at US Secretary of State Antony Blinken.
Makakapulong nila sa panig ng Pilipinas sina Defense Sec. Gilberto Teodoro, Jr., at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.
Nakatakda nilang pag-usapan sa pulong ang mga banta sa rehiyon, mapa-lupa, tubig, himpapawid gayundin sa cyberspace at kung paano ito matutugunan.
Inaasahan ding tatalakyin ang sitwasyon sa West Philippine Sea, partikular na ang mga mapangahas at mapang-udyok na hakbang ng China.
Noong nakaraang taon, isinagawa ang ikatlong 2 plus 2 Ministerial Consultataion sa Washington D.C., kung saan, pinagtibay ang committment ng Pilipinas at Amerika na i-modernisa ang kanilang alyansa.
Mar Gabriel