Ika-4 na walk-in COVID-19 testing center sa Maynila, binuksan na
Binuksan na ang bagong walk in testing center sa lungsod ng Maynila. Ang bagong testing center na ito ay matatagpuan sa Ospital ng Tondo.
Pinangunahan mismo ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglulunsad ng nasabing walk in covid testing center.
Gaya ng iba pang testing center sa lungsod, libre ito at bukas sa lahat residente man ng Maynila o hindi.
Samantala, madaragdagan pa ang RT PCR laboratories ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ayon kay Mayor isko , inaayos na nila ang ikalawang swab testing laboratory ng lungsod.
Sa oras na maitayo na ito, aabot na sa 1,000 ang swab test na kayang magawa ng Manila LGU sa loob ng isang araw.
Sinabi pa ni Mayor Isko mula ng maitayo ang kanilang swab testing laboratory na nasa Sta Ana Hospital ay umabot na sa 26,543 test ang kanilang nagawa.
Dagdag pa ng alkalde, libre rin ang pagpapa-swab test rito.
Ang RT PCR test ang itinuturing na golden standard pagdating sa COVID-19 testing.
Madz Moratillo