Ika-5 round ng GRP-NDF peacetalks itinakda sa Mayo
Muling itinakda sa Mayo 26 hanggang Hunyo 2, 2017 ang ikalimang round ng pag-uusap ng gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front (NDF).
Ito ay matapos ang matagumpay na apat na araw na pag-uusap ng dalawang panig sa The Netherlands.
Napagkasunduan ang free distribution ng lupa bilang guiding principle sa implementasyon ng agrarian reform na bahagi ng interim ceasefire agreement.
Itinuturing ng NDF na ang land reform ay isang bahagi ng Comprehensive Agreement on Socioeconomic Reforms na kanilang isinusulong na isa rin itong dahilan ng 48-taon na dahilan ng insurhensiya.
Ayon kay Norweigan Special Envoy to the Philippine Peace Process Elisabeth Slattum, kahit may mga pagkakaiba ang dalawang panig ay desidido naman ang dalawang kampo na magkaayos.
Tinawag din nito na ang pinakahuling pag-uusap na intense at challenging pero nagkaroon sila ng kompromiso na makamit ang kanilang mithiin.