Ika-apat na batch ng mga OFW na namatay sa Saudi Arabia, naiuwi na ng bansa
Dumating na sa bansa ang mga labi ng ika-apat na batch ng mga Overseas Filipino Workers na nasawi sa Saudi Arabia.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 72 labi ang kanilang naiuwi sa bansa kung saan mayorya 0 62 sa mga ito ay pumanaw dahil sa Covid-19 related diseases habang ang 10 ay dahil sa iba pang sakit.
Dumating sila sa bansa sakay ng chartered flight ng Philippine Airlines.
Ang 40 sa mga labi ay mula sa Al Khobar, 17 mula sa Jeddah at 15 mula sa Riyadh.
Nabatid na may 3 labi ng OFW mula sa Riyadh ang hindi nakasama sa nasabing chartered flight pero naiuwi din naman sa bansa kahapon kasabay ng iba pa.
Ang 3 na ito ay nasawi dahil umano sa ibang sakit.
Dahil rito, umabot na sa 267 ang kabuuang labi ng mga OFW mula sa Saudi ang naiuwi na ng pamahalaan sa bansa.
Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay city, ang mga nasawi dahil sa Covid-19 ay dinerecho sa Crematorium habang ang iba ay iniuwi sa kani -anilang lalawigan.
-Madz Moratillo