Ika-apat na Pinoy namatay sa kaguluhan sa Israel –DFA
Isang Pilipinang caregiver ang ika-apat na Pilipinong nasawi sa ginawang pag-atake ng Hamas sa Israel.
Natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kumpirmasyon mula sa gobyerno ng Israel.
Hindi tinukoy ng DFA ang pagkakakilanlan ng biktima bilang respeto sa kahilingan ng pamilya nito.
“We’re not going to give the identity other than to confirm that it was a female caregiver from the south of Israel in kibbutz which was one of those attacked by Hamas militants.”pahayag ni DFA Usec. Eduardo de Vega
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na ang Pinay ay isa sa tatlo pang Pilipino na nawawala.
Nasawi aniya ito dahil sa pag-atake ng Hamas sa Israel noong October 7.
“We cannot confirm if she was first abducted then killed but it was because of the hamas attack. She was one of the three missing Filipinos we were hoping to find.” dugtong pa ni de Vega
Binigyang pugay naman ng DFA ang mga Pilipinong nasawi sa Israel.
“We honor our kababayans because one reason why some of them died was that they didn’t abandon their wards. It is something Israelis praised our kababayans for.” pahayag pang muli ni Usec de Vega
Tiniyak ng DFA at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ng caregiver ang suporta at tulong ng gobyerno sa mga ito.
“Kami po sa OWWA ay patuloy po kaming magbibigay ng service at tulong po sa naiwang pamilya ng ating kababayan. May naghihintay po sa kaniyang financial assistance na P200,000 na mapupunta sa kaniyang funeral assistance na P20,000 at kung may anak po ay pag-aaralin at mabibigyan ng educational assistance ng OWWA.” paliwanag ni OWWA Deputy Administrator Honey Quino.
Tinawag naman ng DFA na positive development ang pagpayag ng Egypt na makapasok ang 20 humanitarian trucks sa Gaza.
Kaugnay nito, inihayag ni De Vega na may posibilidad na bukas ay buksan na ang Rafah border para sa foreign nationals gaya ng mga Pinoy sa Gaza na makatawid sa Egypt.
Ito ang dahilan kaya pinaghahanda aniya nila ang mga Pinoy doon sa pagbubukas ng Rafah crossing sa kahit anong oras o araw.
” I don’t want to pre-empt it but that means by the end of today Israel time or tomorrow mayroon nang opening because the Israelis have always said be ready at anytime because it could be at any day and when it’s open it will not be a permanent opening it would be for a window.” saad pa ni de Vega
Nasa 78 Pinoy mula sa Gaza ang naghihintay malapit sa Rafah border.
Aminado ang DFA na may kakulangan ng pagkain at tubig sa Gaza pero ito ay realidad na kinakaharap ng mga Pinoy sa Gaza noon pa man at kanila itong nalalagpasan.
Handa naman na tumulong ang OWWA sa repatriation ng mga Pinoy sa Gaza kahit hindi sila OFWs o kaya ay undocumented.
Umaasa naman ang DFA sa solusyon sa kaguluhan kasabay ng pagkilala sa mga Pinoy sa Israel at Gaza.
“Again we commisserate with the family. We would like solution to overcome this in the region in the world and for our kababayans in Israel and Gaza we honor you we salute you you make us proud to serve you make us proud to be Filipinos.” pagtatapos na pahayag ni de Vega.
Moira Encina