Ikalawa niyang decathlon gold, nakuha ni Kevin Mayer ng France
Napanalunan ni Kevin Mayer ng France, ang ikalawa niyang world decathlon gold, makaraang umatras ang Olympic champion na si Damian Warner dahil sa injury.
Nakapagtala si Mayer ng 8,816 points matapos ang 10 disciplines sa loob ng dalawang araw, upang sundan ang nauna niyang world gold noong 2017 sa London.
Nakuha naman ni Pierce Lepage ng Canada ang silver sa pamamagitan ng kaniyang 8,701pts., habang ang Amerikanong si Zach Ziemek ang nakakuha ng bronze na may 8,676 pts.
Sa unang araw ng aksiyon noong Sabado, si Mayer ay nakapagtala ng 10.62sec sa 100m, 7.54m sa long jump, 14.98m sa shot put, 2.05 sa high jump at 49.40 sa 400m, kung saan nagkaroon ng injury ang Olympic champ na si Warner ng Canada.
Nitong Linggo naman ay nakapagtala ang French world record holder ng 13.92sec sa 110m hurdles, 49.44m sa discus throw, 5.40m sa pole vault at nail 70.31m sa javelin throw para makabuo ng 8,145pts.
Madali namang nalampasan ni Mayer ang final event, kung saan dinaig nito si Lepage para makuha ang ikalawa niyang world gold.
© Agence France-Presse