Ikalawang araw ng 2022 Bar Exams, naging maayos at payapa rin –SC
Kabuuang 9,196 bar examinees ang kumuha at nakakumpleto sa mga pagsusulit sa Criminal Law at Commercial Law sa ikalawang araw ng bar examinations.
Ayon sa Korte Suprema, katumbas ang nasabing bilang ng 91.90% turnout.
Kumaunti ito nang bahagya kumpara sa 9,207 examinees na nakakumpleto sa unang araw ng 2022 Bar Exams.
Sinabi naman ni Supreme Court Associate Justice at 2022 Bar Examinations Committee Chairperson Alfredo Benjamin Caguioa na generally peaceful at orderly ang day two ng pagsusulit.
Tiwala ang mahistrado na magtutuluy-tuloy ang nasabing sitwasyon sa dalawang huling araw ng bar exams.
Muli ring nag-ikot si Caguioa at ang iba pang SC justices sa ilang testing centers sa Metro Manila sa ikalawang araw ng eksaminasyon.
Moira Encina