Ikalawang araw ng paghahain ng COC sa COMELEC-NCR para sa congressional seat, matumal

Madalang ang pagdating ng mga kakandidato sa pagka-kongresista sa ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy o COC, sa tanggapan ng Commission on Elections National Capital Region (COMELEC-NCR) office sa Greenhills, San Juan.

Matatandaan na kahapon ay umabot lamang sa 13 ang naghain ng COC para sa 35 congressional district sa NCR, na binubuo ng 16 na lungsod at isang munisipalidad.

Sinabi ni COMELEC-NCR Assistant Regional Director Atty. Jovencio Balanquit, na hanggang October 8 pa naman ang filing ng COC.

COMELEC-NCR Assistant Regional Director Atty. Jovencio Balanquit

Aniya, “Ang COMELEC-NCR office ay bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.”

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *