Ikatlong araw ng Orientation ng 3rd batch ng mga Neophyte Congressmen,kinansela dahil may nagpositibo sa COVID-19
Kanselado ngayon ang ikatlong araw ng orientation ng third batch ng mga bagitong congressmen dahil may nagpositibo sa COVID-19.
Sa Executive course on legislation for the members of the 19th Congress tatalakayin sana ngayon ang tungkol citizen engagement, engaging with media, basic cyber security and online hygiene.
Ngayong araw din sana ang closing ceremonies ng 3rd batch ng neophyte congressmen na sumailalim sa orientation.
Wala pang abiso ang office of the Secretary General ng House of Representatives kung ilan ang nag-positibo sa mga kongresista.
Limamput walong bagong Kongresista ang kasama sa ikatlong batch ang sumasailalim sa orientation.
Kahapon sa second day ng orientation isinagawa ang mock committee hearing na pinangunahan ni Batangas 5th district Repesentative Mario Vitorio Marino Chairman ng House Committee on Government Reorganization.
Tradisyon ang orientation sa mga neophyte congressmen na pinapangasiwaan ng office of the secretary general sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines – National College of Public Administration and Governance.
Vic Somintac