Ikatlong kaso ng Omicron variant, naitala sa bansa mula sa isang ROF galing Qatar
Umabot na sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng Omicron variant ng Covid 19 sa bansa.
Ito ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire ay matapos magpositibo sa nasabing variant ang isang 36-anyos na sea based Returning Overseas Filipino na dumating sa bansa mula sa Qatar.
May travel history din aniya ito sa Egypt.
Ayon kay Vergeire, dumating sya sa Mactan-Cebu International Airport noong November 28 sakay ng Qatar Airways flight QR 924.
Isinalang siya sa RT PCR test noong December 4 at noong December 5 lumabas ang resulta nito na positibo siya sa virus.
Agad rin naman itong inilipat sa isang isolation facility kung saan sya nanatili hanggang December 16.
Pagkatapos nito, sumailalim rin siya sa home quarantine sa kaniyang hometown sa Cavite.
Muli rin itong isinalalim sa RT PCR test noong December 19 kung saan nagnegatibo na ito sa virus.
Health Ma Rosario Vergeire:
“The case is currently finishing his home quarantine in Cavite and has remained asymptomatic since his arrival”.
Madz Moratillo