Ikatlong Olympics test event napilitang kanselahin dahil sa Seine River pollution
Inanunsiyo ng organizers, na kinansela nitong Linggo ang swimming stage ng isang triathlon sa Seine River sa Pris dahil sa polusyon.
Ang mixed relay triathlon ang pangatlong pre-Olympics test event na naapektuhan ng labis na E. coli bacteria sa tubig, ngunit iginiit ng mga organizer na magiging akma ang Seine upang mag-host ng mga event sa susunod na taon.
Sinabi ng Paris Olympics organizing committee at governing body World Triathlon, na ang triathlon ay pinalitan ng isang duathlon na kapapalooban na lamang ng pagbibisikleta at pagtakbo matapos na ang mga pagsusuri sa kalidad ng tubig ay hindi nakapagbigay ng “kinakailangang mga garantiya.”
Ito rin ang ginawang solusyon para sa isang para-triathlon test event noong Sabado, habang ang World Aquatics Open Water Swimming World Cup ay ganap nang nakansela sa unang bahagi ng buwang ito.
Ayon sa pahayag ng World Aquatics kasunod ng kamakailan ay matinding mga pag-ulan at analysis sa pinakahuling water samples, “water quality in the Seine has remained below acceptable standards for safeguarding swimmers’ health. Based on this weekend, it is clear that further work is needed with Paris 2024 and local authorities to ensure robust contingency plans are in place for next year.”
Ang training noong Biyernes para sa World Aquatics Open Water Swimming World Cup ay nakansela na, at ang women’s race ay ipinagpaliban mula Sabado hanggang Linggo sa pag-asang mapabuti ang kalidad ng tubig.
Ang malakas na pag-ulan sa Paris noong nakaraang linggo ay nagdulot ng pag-apaw ng mga imburnal, na nagparumi sa Seine dahil sa wastewater.