Ikatlong resupply mission ng PCG at Navy sa BRP Sierra Madre matagumpay
Nabigo ang Chinese Coastguard na harangin ang panibagong resupply mission ng Philippine Navy at Philippine Coastguard sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ngayong araw.
Sa video na ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, tinangkang banggain ng Chinese Coastguard at Chinese militia vessel ang mga barko ng Philippine Navy at Coastguard na nagdala ng suplay sa BRP Sierra Madre.
Sumingit pa aniya ang Chinese coastguard at gumawa ng delikadong maneuvering pero matagumpay na nadala ng tropa ng Pilipinas ang suplay para sa mga sundalong nagbabantay sa BRP Sierra Madre.
Sinaluduhan ni Zubiri ang matatapang na tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coastguard na hindi nagpasindak sa pambu bully ng Chinese coastguard.
Pinasaringan naman ni Zubiri ang mga Chinese coastguard at iginiit na humanitarian supply mission ang pakay ng tropa ng gobyerno at tanging mga barbarians lang ang matutuwa na makita ang mga sundalo sa isang mapayapang misyon na napagkaitan ng pagkain .
“This is a humanitarian resupply mission. only barbarians at the gate will delight at seeing soldiers on a peaceful mission denied of food.as long as the law and truth are on our side, illegal barriers to what is ours will continue to be pierced, by the sharp tip of world opinion that upholds our cause as just. – bahagi ng pahayag ni Senate president Juan Miguel Zubiri.
Sa kabila aniya ng matagumpay na misyon ng sandatahang lakas ng bansa, patuloy na gagawa ng paraan ang China na harangin ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea kaya dapat maging maingat at mapagbantay ang sandatahang lakas ng bansa.
“We know that China continues to block our vessels on our waters, so we remain absolutely cautious and vigilant. and we in the senate are prepared to assist our AFP and PCG with their budget, in aim of developing a credible self-defense posture that will allow them to continue protecting our country and our people.”dagdag pa ni Zubiri
Pagtiyak ng mga Senador popondohan nila ang modernisasyon ng sandatahang lakas ng bansa lalo na ang self defense posture para protektahan ang teritoryo at soberenya ng mga Pilipino .
“ We have to make sure na yung ating modernization program horizon 1 and 2 dapat mkastart na tayo horizon 3 target maximum defense posture external defense na yan, submarines modern navy vessel, dinudivulge ko para malamman ng china. i am one of the supporter, on our part we have to do this we havve to strengthen our navy and coastt guard to put min defense posture. we have to forge alliance. yung india nagalit na there is strength in no. we should ensure the freedom of navigation. extend our alliance with the right thinking nations. US, Japan South korea .” Senator JV Ejercito
Meanne Corvera