Ikinakasang bagong buwis ng gobyerno hindi napapanahon – Senator Franklin Drilon
Hindi napapanahon ang plano ng gobyerno na itaas o magpataw ng bagong buwis para sa susunod na taon.
Ito ang Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos sabihin ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa budget hearing ng senado na pinag aaralan nila ang paghahanap ng bagong revenue para maka hanap ng pambayad sa mga inutang ng gobyerno ngayong may covid pandemic.
Pero ayon kay Drilon, sa halip na magpataw ng dagdag pasanin sa publiko, mas makabubuti kung ibebenta na lang ang ilang government properties at isapribado ang gaming industry .
Naniniwala ang senador na maraming tututol sa hakbang na ito ng gobyerno dahil marami ang nalugmok matapos ang epekto ng covid 19.
Sa forecasts aniya ng mga eksperto, maaring tumagal pa hanggang sa ikatlong quarter ng 2021 bago tuluyang maka recover ang mamamayan at mga negosyo.
Katunayan, hanggang ngayon umaabot pa sa mahigit siyamnapung libong mga kumpanya ang Sarado na karamihan ay mga micro, small at medium enterprises habang 7. 3 milyong pilipino pa ang hindi nakakabalik sa trabaho.
Meanne Corvera