Ilan sa mga runaway Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia, isasabay ni Pang. Duterte pag-uwi sa Pilipinas
Pumayag na ang Labor Minister ng Saudi Arabia na mapauwi at maisabay pa ni Pangulong Rodrigo Duterte pauwi ng Pilipinas ang 160 runaway Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III ito ang mga OFW na kinakanlong sa Bahay Kalinga o tinatawag ding “shelter” ng tumakas na OFW’s sa kanilang mga employer.
Sinabi ni Bello, hiniling niya sa Labor and Social Development Minister na kung maaari ay payagang maiuwi na ni Pangulong Duterte ang nasabing OFW’s at siya ay nasorporesa sa positibong tugon ng labor minister.
Ayon pa kay Bello, isasapinal na lamang ang commitment ng repatriation na makakasama sa pag-uwi ni Pangulong Duterte sa Linggo, kung mapapabilis ang proseso.