Ilang bahagi ng CAR at Region 1 sarado sa mga motorista
Nananatili paring sarado sa mga motorista ang ilang bahagi ng cordillera administrative region o car at region 1.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH, sarado parin ang claveria-calanasan-kabugao road sa apayao dahil sa landslide
Ang Camp One naman ng kennon road sa Tuba Benguet isinara muna sa mga motorista bilang precautionary measure.
Sa Mt. province sa Dantay Sagada road at Baguio – Bontoc road naman sarado parin dahil sa naputol na kalsada at slope collapse.
Sa Roxas bridge naman sa Ilocos Sur ay sarado parin dahil sa erosion sa lupa sa bahagi ng pundasyon ng tulay.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: