Ilang bahagi ng Rodriguez , Rizal mawawalan ng tubig – Manila Water
Magpapatupad ng Water Interruption ang Manila Water sa ilang bahagi ng Rodriguez, Rizal.
Paliwanag ni Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla ,dahil sa patuloy na pagkakaroon ng mataas na turbidity o malabong tubig na pumapasok sa East La Mesa Water Treatment Plant ay kailangan nilang magbabawas muli ng produksyon at magsasagawa ng operational adjustments.
Ipapatupad ang water interruption sa ilang bahagi ng Brgy. San Jose at Brgy. San Isidro sa Rodriguez, Rizal, mamayang alas 4:00 ng hapon , Nobyembre 19, 2020 hanggang 4:00 AM kinabukasan, Nobyembre 20, 2020.
Narito ang mga lugar na apektado ng Water Interruption:
SAN JOSE, RODRIGUEZ:
- Montalban Heights Phase 1 at Phase 2
- Amityville Phase 1 to 5,
- Vista Rio
- Jecmat
- Sweet Haven
- Suburban Phase 1A, 1L, 1L1, 1L2, 1F, 1LL
- Metro Manila Hills Communities
- Pamahay Village
- Charm/Isla
- MRV
- NTA
- Suburban Phase 1A and 1B
SAN ISIDRO, RODRIGUEZ:
- Southville 8C Phase 1N and 1N1
- Villa San Isidro Phase 1-3
- Jovil Extension
- Banai
- Kacsa Creekside
- Salvador Compound
- National Tobacco Subd.
- Jovil Subd.
- Bautista Creekside
- Greenbreeze Phase 1, 2, and 2A
- Eastwood Residences Phase 6, 7, 8
- Villas
- Southville 8, 8A, 8B
- Sitio Maislap
- East Meridien
Dahil dito , pinapayuhan ni Sevilla ang kanilang mga customer na mag-ipon nang sapat lamang na tubig na magagamit sa buong panahon ng interruption.
Tiniyak naman ni Sevilla na may mga water tankers na mag-iikot upang makapagbigay ng tubig sa mga apektadong lugar.