Ilang bahay bumagsak matapos bumigay ang riprap sa isang ilog sa Zamboanga City

Bumagsak ang ilang mga bahay na nakatayo malapit sa isang ilog sa Northside , Barangay Tetuan Zamboanga City.

Ayon sa Barangay opisyal, dahil sa malakas na pag-ulan posibleng lumambot ang lupa sa lugar at bukod sa luma na rin ang riprap doon kaya ito bumigay.

Nagresulta ito ng pagbagsak ng ilang mga bahay na ilang metro lamang ang layo mula sa compound ni Majority leader Congressman Manix Dalipe.

Wala pang malinaw na pahayag ang pamahalaang lokal kung kailan maaayos ang bumigay na riprap.

Samantala dahil sa inaasahang lalawak pa ang pinsala pansamantala munang pinagbawalan na makabalik sa kanilang mga bahay ang anim na pamilyang nakatira sa tabing ilog.

Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *