Ilang bar examinees, idinaskuwalipika
Idiniskuwalipika sa 2020/2021 Bar Examinations ang ilang examinees dahil sa paglabag sa Honor Code.
Sa bar bulletin na inisyu ni Bar Chair at Supreme Court Justice Marvic Leonen, sinabi na may ilan na bar takers ang nadiskubre na lumabag sa mga polisiya ng Office of the Bar Chairperson at sa Honor Code.
Nakatanggap ng mga ulat si Leonen na may examinees na sinadyang pumasok sa local testing centers na hindi ipinabatid na sila ay nagpositibo dati sa COVID-19.
May mga examinees din na nagpuslit ng mobile phones sa loob ng exam rooms at nag-access sa social media habang lunch break sa loob ng premises.
Nilinaw na ang diskuwalipikasyon ay aplikable lamang sa 2020/2021 Bar Exams.
Hinimok ni Leonen ang mga nadiskuwalipika na pag-isipan ang kanilang ginawa.
Aniya matuto ang mga ito mula sa kanilang pagkakamali at muling maibalik ang kanilang dangal.
Hindi naman tinukoy ni Leonen ang eksaktong bilang ng mga nadiskuwalipika.
Moira Encina