Ilang barangay sa Caloocan, Malabon, Q.C at Maynila mawawalan ng tubig
Inabisuhan ng Maynilad Water Services ang publiko sa ilang Barangay sa Metro Manila na mag-umpisa nang mag-imbak ng tubig, dahil sa napipintong pagkaantala ng serbisyo simula bukas.
Ayon sa Maynilad, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang Barangay sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Quezon City at Maynila mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3, upang bigyan daan ang ipatutupad na “maintenance activities” ng kumpanya sa kanilang mga linya.
Kabilang sa mga pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng tubig ay ang mga Barangay 64, 73, 74 at 176 mula alas-11:30 bukas ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw sa Hunyo 28, habang ang mga barangay 65, 66, 69, 73, 74, at 75 ay mula alas-11 bukas ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw ng Hunyo 30. ang mga ito ay pawang sakop ng Caloocan.
Sa Malabon, mawawalan ng suplay ng tubig mula alas-11 bukas ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw ng Hunyo 28 ang Barangay Longos, apektado rin nito ang mga Barangay North Fairview (Fairmont Park Subd. at Fairville Homes Subd.) at Batasan Hills (Northview II Subd.), mula alas-12 ng hatinggabi bukas alas-4 ng madaling araw ng Hunyo 28.
Alas-10 naman ng gabi sa Hunyo 28 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Hunyo 29 ay apektado ng service interruption ang Barangay Bahay Toro, Talayan at Sto. Domingo sa Quezon City, habang sa Barangay Paltok, San Antonio at Apolonio Samson ay mawawalan ng tubig mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 3.
Sa Maynila, walang tubig mula alas-12 hanggang alas-4 ng madaling araw sa Hunyo 28 sa Barangay 590, 610, 611, 619, at 621, habang sa Hunyo 30, mawawalan ng tubig mula alas-12 hanggang alas-4 ng madaling araw sa mga Barangay 315, 316, 317, 318, 319, 320, 321, 322, 323, 324, at 325.
Ulat ni: Liza Flores