Ilang Cabinet Officials at Presidential Appointee lusot na sa C-A
Inapruhan na sa huling araw ng pagdinig ng Commission on Appointments ang Ad Interim Appointment ng ilang Cabinet Officials at Presidential Appointee.
Kabilang sa mga naaprubahan sina Transportation Secretary Jaime Bautista, Secretary Jose Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development at NEDA Secretary Arsenio Balisacan.
Lumusot na rin ang appointment nina Comelec Commissioners Nelson Celis at Ernesto Maceda jr na kapwa magsisilbi hanggang sa Pebrero ng 2029.
Lumusot rin sa pagbusisi ng C-A ang anim na foreign service officers ng Department of Foreign Affairs habang inaprubahan ang promotion ng limamput apat (54) na senior officers ng sandatahang lakas ng bansa.
Na- bypassed naman sina DTI Secretary Alfredo Pascual, DSWD Secretary Erwin Tulfo at Philippine Representative to World Trade Organization Manuel Teehankee.
Kinakailangan muna silang ire-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos para makapagpatuloy ng kanilang trabaho.
Meanne Corvera