Ilang establisyemento sa Mindanao, napinsala ng magnitude 7.2 na lindol
Nasira ang ilang paaralan, ospital at government buildings nang tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao, umaga ng Sabado.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlong paaralan ang lubhang napinsala at pito naman ang bahagyang nasira sa South Cotabato at General Santos City.
Bukod sa nasirang Seaport sa probinsya ng Sarangani, bahagya ring nasira ng lindol ang Municipal Hall at Municipal Police Station sa Bayan ng Glan.
Maging ang warehouse ng isang softdrink at ang gusali ng Philippine Port Authority sa bayan ng Glan ay nasira din dahil sa naturang lindol.
Iniulat din ng NDRRMC na nagkaroon ng minor cracks at nabasag ang salamin na bintana sa City Hall ng General Santos City.
Pitong sari-sari stores naman sa Barangay Dadiangas South sa lungsod pa rin ng General Santos ang lubhang napinsala.