Ilang evacuees sa Marawi namatay dahil sa dehydration at iba pang sakit – DSWD
Halos animnapu nasawi sa evacuation centers sa Marawi City dahil sa dehydration at iba pang sakit.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, apatnapung (40) kaso ay dahil sa dehydration at labingsiyam (19) sa nasawi ay dahil sa mga sakit na nakukuha mula sa pagsisiksikan sa mga evacuation centers.
Giit pa ni Ubial, ilan sa mga nasawi ay mayroon na talagang sakit bago pa dumating sa mga evacuation center.
Namomonitor aniya ng DOH ang mga kaso ng gastroenteritis, upper respiratory diseases, diarrhea at skin diseases sa mahigit dalawampung libo (20,000) katao o mahigit apat na libong (4,000) pamilyang nasa evacuation centers.