Ilang health facilities sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Ulysses napinsala rin – DOH
Kasunod ng pananalasa ng bagyong Ulysses, ilang ospital, COVID-19 treatment facilities at iba pang health facilities ang napinsala .
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, batay sa kanilang monitoring kabilang sa mga health facilities na naapektuhan ay nasa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon.
Ito ay ang Dr. Paulino Garcia Memorial Research and Medical Center at ang Mega Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Nueva Ecija.
Maging ang Bataan and Treatment Rehabilitation Center sa Bataan, Palanan District Hospital at Palanan Rural Health Unit sa Isabela.
Sa Cagayan ay nagkaroon rin ng damage sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital, 2 Rural Health Unit at 14 na Barangay Health Stations.
Sa Benguet naman ay iniulat rin na nagkaron ng damage sa Palasaan Health Station sa Mankayan.
Tiniyak naman ni Vergeire na may pondo na mapagkukuhanan para magamit sa pagsasaayos ng mga napinsalang health facilities.
Madz Moratillo