Ilang kaalyado ni Pangulong Duterte sa Kamara nagdadalawang-isip suportahan ang Martial Law extension sa Mindanao
Nagdadalawang-isip ang ilang kaalyado ni Pangulong Duterte sa Kamara kung susuportahan ang limang buwang extension ng batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Kabayan Rep. Harry Roque, bagaman kinatigan niya ang deklarasyon ng Martial Law ay umaasa siyang magiging maikli lamang ang pagpapalawig dito.
Naniniwala si Roque na makakasama sa bansa ang limang buwang pagpapalawig ng batas militar dahil magbibigay ito ng senyales sa international community na pangmatagalan ang problema sa Mindanao partikular sa peace and order.
Sinabi naman ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na kailangang linawin sa Kongreso ang factual basis kung bakit kailangang hanggang katapusan pa ng taon ipapatupad ang Martial Law sa Mindanao.