Ilang korte sa Luzon at Mindanao, naka-lockdown hanggang sa Setyembre
Inanunsiyo ng Korte Suprema ang pansamantalang pisikal na pagsasara ng ilang hukuman sa Luzon at Mindanao para bigyang daan ang quarantine ng mga kawani at disinfection ng court houses.
Sa Court Lockdown Bulletin na inisyu ng Supreme Court, sinabi na naka-lockdown hanggang sa Setyembre 3 ang Iba, Zambales RTC Branch 71 at ang Island Garden City of Samal, Davao del Norte MTCC Branch 2.
Hanggang Agosto 26 naman sarado ang General Santos City RTC Branch 55.
Gayundin, ang San Juan, Southern Leyte RTC Branch 26 hanggang sa August 31.
Mananating sarado ang Macabebe, Pampanga RTC-OCC hanggang September 4 at Naga City RTC-OCC hanggang sa September 5.
Sa hiwalay na abiso, pisikal na sarado rin ang Baguio City RTC-OCC at San Fernando City, La Union RTC Branch 30 hanggang September 3.
Makikita ang quarantine status ng mga lower courts sa website ng Korte Suprema.
Maaaring ma-contact ang mga apektadong korte sa kanilang official hotlines at email addresses.
Moira Encina