Ilang local clinical trial na ginagawa sa bansa,nakitaan na ng magandang resulta
Nakitaan na ng magandang resulta ang ilang local clinical trials para sa covid 19 na ginagawa dito sa bansa.
Ilan rito ay ang trial para sa Virgin Coconut Oil o VCO.
Ayon kay DOST Sec. Fortunato dela Pena, sa VCO ay dalawang lokasyon ang kanilang pinagsasagawaan ng trial, ang Philippine General Hospital at Sta. Rosa Community Hospital.
Sa Sta Rosa Community Hospital aniya ay mga probable covid cases na symptomatic ang kasama sa trial na nila ang kinakailangang bilang ng volunteers.
Sa bilang na ito ay nasa 38 hanggang 40 na aniya ang nakatapos at nakauwi naman na ng kanilang tahanan.
Sa ngayon may 28 pa aniyang hindi pa nakatatapos sa trial.
Ang isa pang nakitaan ng magandang resulta ay ang plasma theraphy o ang pagsalin ng dugo mula sa covid 19 survivor.
Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, sa plasma theraphy ay 17 ospital ang nakarehistro sa kanila para pagsagawaan ng trial na ito.
Batay aniya sa report sa kanila sa 526 pasyenteng sumasailalim sa plasma theraphy ay may 429 ang nakarekober.
Sa kabila nito iginiit naman ng mga opisyal na kailangan pa ng scientific study rito dahil magkakaiba naman ang mga pasyente.
Madz Moratillo