Ilang lungsod sa Metro manila , wala munang COVID 19 vaccination schedule
Ilang lungsod sa Metro Manila ang hindi pa makapagpatuloy ng kanilang COVID- 19 vaccination.
Ito ay kahit dumating na ang mga suplay ng bakuna sa kanila.
Gaya nalang sa Maynila na dumating na ang 400,000 doses ng Sinovac Vaccine nitong nakaraang linggo.
Ang Taguig LGU naman nag anunsyo na tigil muna ang kanilang pagbabakuna ng 1st at 2nd dose ng Sinovac Vaccine until further notice.
Hindi pa kasi umano sila binibigyan ng authorization ng Department of Health para magamit ang mga bakuna na nasa kanilang cold chain facility.
Hindi parin kasi nailalabas ang certificate of analysis ng mga dumating na bakuna.
Ang certificate of analysis o COA ay kailangan para sa “quality assurance and safety” bago ito ipagamit.
Sa isang statement, tiniyak naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na magiging prayoridad ang mga tatanggap ng second dose ng Sinovac Vaccine sa oras na muling magpatuloy ang pagbabakuna.
Nagpasabi narin umano ang DOH na pinapayagan naman ang 4 araw paglagpas sa nakatakdang schedule ng second dose ng bakuna.
Paliwanag naman ng DOH, ang COA ay karaniwang inilalabas matapos na maideliver ang mga bakuna.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, para sa June 24 deliveries ng Sinovac, ang COA ay maaaring mailalabas aniya ng manufacturer hanggang bukas, June 30, base sa batch at bilang ng mga bakuna.
Sa oras aniya na magkaroon na ng COA ay maaari ng makapagpatuloy ng LGU ang pagbabakuna.
Madz Moratillo