Ilang mga indibidwal sa bansa na naisailalim sa COVID 19 testing mahigit 11 milyon na
Sa mahigit 1 taon nang nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19…umabot na sa 11, 581, 505 indibidwal dito sa bansa ang naisailalim sa COVID- 19 testing sa pamamagitan ng RT PCR test.
Ang RT PCR test ang itinuturing na golden standard pagdating sa COVID-19 testing.Sa datos ng Department of Health, sa mahigit 11 milyong test na ito ay 1,184, 952 ang nagpositibo.
Pero ayon sa DOH, matapos ang beripikasyon ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID 19 dito sa bansa ay 1, 108, 826.
Paliwanag ng DOH, ang ilan sa mga ito ay repeat test.
Sa ngayon ay nasa 10.23% naman ang positivity rate dito sa bansa.
Patuloy rin namang nadagdagan ang bilang ng mga COVID – 19 Laboratories sa bansa na ngayon ay nasa 252 na.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na sumunod sa minimum public health standards kontra COVID- 19.
Hanggat maaari ay umiwas sa matataong lugar at tiyakin ang proper ventilation sa bahay man o mga lugar ng paggawa at iba pang establisyimento.
Madz Moratillo