Ilang mga nanalong kandidato sa katatapos na halalan sa Baguio city at Benguet ,Naiproklama na
Naiproklama ang ilang mga nanalong kandidato sa katatapos na halalan sa lungsod ng Baguio at ilang munisipalidad sakop ng Benguet.
Isinagawa ang proklamasyon sa Baguio Convention Center at sa kapitolyo ng Benguet.
Naunang naiproklama sa sina Congressman Marquez ” Mark ” Go , Second term Mayor Benjamin Magalong , at re- elect Vice Mayor Atty. Faustino Olowan .
Ilan naman sa mga kandidato sa iba’t- ibang munisipalidad ng Benguet ang iprinoklama sa Benguet Provincial Capitol ngayong araw, matapos makakuha ng mas mataas na boto laban sa kanilang mga katunggali.
Sa munisipalidad ng La trinidad sina Mayor Romeo K.Salda,Vice Mayor Roderick Awingan kasama ang walong miembro ng sangguniang panlalawigan.
Naiproklama na din sa munisipalidad ng Sablan Benguet ang mga nanalong municipal officials sa pangunguna nina :Mayor Alfredo Dacumos Jr.,Vice Mayor Arthur Baldo ,at walong municipal councilors.
Muli ring mailuluklok sa puwesto bilang alkalde ng Tuba Benguet sina re- elect Clarita Sal Ongan , Vice Mayor Maria Carantes at walong Councilors .
Sa final tally at official results naman na lumabas sa katatapos na Local and National Election sa Bakun Benguet, ay nanguna sa bilangan sina Mayor Bill Yubos Raymundo, Vice Mayor Fausto t. Labinio at walong municipal Councilors.
Muling gagampanan ng mga nanalong local government officials ang kanilang tungkulin sa bayan simula sa July 1, 2022.
Sa pagtaya ng mga miembro ng BCPO at Benguet Provincial Police Office, payapa at tahimik sa kabuuan ang isinagawang halalan sa lungsod at mga munisipalidad sa lalawigan.
Freddie Rulloda