Ilang mga pasahero at sasakyang-pandagat stranded parin sa ilang pantalan sa bansa
Patuloy parin ang ginagawang monitoring ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan sa bansa kasunod ng posibleng epekto ng Bagyong Quinta.
Ayon sa PCG as of 12nn, sa National Capital Region bagamat light to Moderate na ang kondisyon ng dagat ay may 102 ang stranded na pasahero sa North Port Passenger Terminal.
Sa Palawan naman ay light to Moderate na rin ang kondisyon ng dagat, pero may 44 pasahero, drivers, at helpers maging 3 vessels at 3 motorbancas ang stranded sa PPC Port, El Nido Pier, Liminagcong Port Coron Port, Balabac Pier, Bancalaan Wharf At Kalayaan Wharf.
Mayroon namang 4 vessels at 17 motorbancas ang nag shelter bilang pag- iingat.
Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring ng kanilang Command Center.
Philippine Coast Guard