Ilang opisyal ng Comelec, kakasuhan sa Office of the Ombudsman ng mga election watchdog groups
Nakatakdang kasuhan ng ilang election watchdog groups sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Comelec.
Sinabi ni Dr Mike Aragon ng Mata sa Balota, ito ay dahil sa nabigo ang mga poll body officials na ipatupad ang ilang probisyon ng Automated Election Systems Law partikular na ang safety measures ng computerized elections kaya hindi naprotektahan ang integridad ng halalan.
Sasampahan ng reklamo ng grupo sina Comelec Executive Director Jude Tolentino, Deputy Executive Director Teofisto Elnas Jr. at si Comelec Spokesman James Jimenez.
Kasama rin sa irireklamo sina dating Comelec Chairman Andres Bautista at mga opisyal ng Smartmatic.
Hindi naman kabilang sa sasampahan ng reklamong graft ang mga Comelec officials na mga impeachable officials.
Sa halip sasampahan ng grupo ang mga commissioners ng impeachment complaint kapag nagbukas na ang susunod na Kongreso sa Hulyo.
Ulat ni Moira Encina