Ilang pamilihan sa Metro manila, ininspeksyon ng mga opisyal at tauhan ng DTI
Ininspeksyon ng mga opisyal at tauhan ng Department of Trade and Industry ang ilang pamilihan sa Metro manila.
Inalam ng DTI kung sapat pa ang suplay ng mga ibinebentang medya noche items at kung pasok ba sa itinatakdang suggested retail price
Isang supermarket ang naisyuhan ng letter of inquiry dahil lagpas ng singkuwenta sentimos sa SRP ang kanilang ibinebentang cheese at mayonnaise.
Tatlong araw ang ibinigay sa supermarket para magpaliwanag.
Ang isang supermarket naman kulang na ang suplay ng produkto tulad ng ham at quezo de bola.
Pinuna rin ang management ng Robinsons Supermarket na nasa Balinwatak dahil ang ibang mga produkto walang price tag.
Paliwanag ng Supermarket, marahil nalaglag lang ang price tag at tutugon sila sa utos ng DTI.
Naubos rin aniya ang kanilang suplay ng medya noche nitong December 25 at hindi nila inaasahan ang dagsa ng mga mamimili .
Marahil resulta ito ng pagluluwag ng mga quarantine restrictions at halos 100 percent na ring nag-ooperate ang stalls at boutique sa mga mall.
Meanne Corvera