Ilang paraan upang maihinto ang paninigarilyo, batay sa eksperto
Lahat ng sakit ay maaaring dumapo sa isang taong ayaw tumigil sa paninigarilyo.
Kabilang dito ang cancer sa baga, sa lalamunan, leeg at bibig at sakit sa puso.
Mahirap itigil and paninigarilyo lalo na kung nakasanayan mo na ito.
Ayon sa eksperto, kung nais talagang huminto ng paninigarilyo, kaya naman,—- determinasyon at disiplina ang dapat na gawin.
Maaaring mangailangan ng ilang ulit na pagsubok sa paghinto bago maging matagumpay.
Nagbigay ng ilang tips si Dr. Willie Ong, isang public health expert kung paano maihihinto ang paninigarilyo.
Dapat na ihanda ang sarili sa paghinto sa paninigarilyo at planuhin itong mabuti,
Magtakda ng petsa kung kailan talaga nais na tumigil para ito ang sundin.
Layuan ang mga kakilala, kaibigan, at mahal sa buhay na naninigarilyo at ipaalam sa kanila ang planong pagtigil sa masamang bisyong ito.
Hingin ang suporta ng mga taong nabanggit upang maging matagumpay sa pagtigil sa paninigarilyo.
Huwag agad masiraan ng loob kung sa simula ay hindi magtagumpay.
Kailangan ang matinding determinasyon para subukan muling huminto at magpursige.
Ulat ni Belle Surara