Ilang paraan upang malunasan ang Burnout, ayon sa eksperto
Ngayong panahon ng Pandemya, patuloy na nararanasan ang burnout kahit na nga ba ang maraming mga kababayan natin ay naka-work from home.
Sinabi ni ni Dr. Joan Mae Rifareal, isang Psychiatrist, na kapag nararamdaman ang mga sintomas tulad ng exhaustion o labis na pagkapagod kahit kaunti lamang ang ginawa, pagkakaroon ng negative na attitude towards work, negatibong pagtingin sa kanyang trabaho na dati ay hindi naman na nagdudulot ng hindi magandang relasyon sa kanyang mga kasama sa trabaho at nababawasan ang productivity at performance level na kanyang ginagampanan sa araw araw.
Binigyang-diin ni Rifareal na mahalagang agapan ang mga nabanggit na sintomas upang hindi na humantong sa malalang kundisyon.
Ilan sa kaniyang ipinayo upang lunasan ang burnout ay Take a Break.
Aniya kung hindi na kaya ang isang ginagawa…. ay mag-pause.
Magpahinga muna, at kapag bumalik na sa maganda ang pakiramdam ay saka ipagpatuloy ang naiwang trabaho.
Mahalaga rin aniyang maging aware o alam ang tinatawag na work life balance.
Sinabi din ni Rifareal na mainam din ang may social support, lalong lalo na sa panig ng mga mahal sa buhay, sa mga kaibigan at kasama sa trabaho upang hindi maranasan ang burnout.
Belle Surara