Ilang Pinoy na sugatan at nasagip sa Israel, binisita

Nagbigay ng tulong at essential supplies ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv sa mga Pilipino na nasagip at nasugatan sa kaguluhan sa Israel.

Pinangunahan ni DMW Labor Attaché Rodolfo Gabasan at ng OWWA Welfare Officer ang pagbisita sa ilang mga Pinoy na na-rescue mula sa Kibbutz Beeri.

Kabilang sa mga binisita ng mga opisyal ang isang Pinoy na nagtamo ng moderate injuries.

Sa pinakahuling ulat ng embahada, 22 Pilipino ang nasagip ng Israeli security forces.

Nananatiling pito ang unaccounted for o nawawala kabilang ang isang Pinoy na napaulat na dinukot ng mga armadong militante.

Pinayuhan muli ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Israel na manatili sa kanilang mga tahanan hanggang maaari at iwasan ang hindi mahalagang biyahe sa mga matataong lugar.

Inabisuhan din ang mga Pinoy na patuloy na bantayan ang lagay ng seguridad sa kanilang lugar.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *