Ilang probisyon ng ADDA dapat bigyang linaw ayon sa dating hepe ng LTO
Dapat bigyang linaw ng mga may-akda ng Anti-Distracted Driving Act ang ilang probisyon nito para matiyak ang maayos na implementasyon ng batas.
Ayon kay dating Land Transportation Office Chief Alberto Suansing, Secretary General ng Philippine Global Road Safety Partnership, kabilang sa dapat ipaliwanag ang Section 5-C o ang probisyong nagbabawal sa mga driver na gumamit ng gadgets habang nakahinto sa traffic light.
Karamihan aniya sa mga kalsada sa bansa ay makitid kaya imposibleng huminto ang isang driver para gumamit ng gadget.
Hinimok naman ni Suansing ang mga motorista na pagpaliwanagin ang Transportation Committees ng Senado at Kamara at maghain ng petisyon para mabigyang linaw ang nasabing probisyon ng batas.