Ilang rehiyon sa labas ng NCR nakitaan na rin ng pagtaas ng COVID- 19 cases – DOH
Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nakitaan na rin nila ng pagtaas ng mga COVID-19 cases ang ilang rehiyon sa labas ng National Capital Region.
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni Duque na ang pagtaas ng kaso ay nakita nila sa Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region, at Cagayan Valley.
Kaya naman kinalampag na aniya nila ang kanilang regional directors at mga lokal na pamahalaan na mas maging agresibo sa pagbabakuna.
Aminado naman si Duque na ang pagtaas ng mga kaso sa iba pang rehiyon na ito ay dahil narin sa Omicron.
Pero hindi aniya maaaring isantabi ang katatapos na holiday season kung saan marami ang lumabas at nagkaroon ng mga pagtitipon at pagsalo salo.
Sa datos ng OCTA Research Team, nitong Enero 11, sa 28,007 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, 55% lang rito ang mula sa NCR.
Madz Moratillo